Dalawampu’t walong binata ang naliligo sa tabing-dagat
Dalawampu’t walong binata at lahat ay palakaibigan;
Dalawampu’t walong taon ng malababaeng buhay at lahat ay mapanglaw.

Siya ay nagmamay-ari ng isang magandang bahay sa tabi ng tampok ng 
pampang,
Siya ay nagtatago ng makisig at marangyang damit sa likod ng persyana 
ng bintana.

Sino sa mga binata ang pinakagusto niya?
Ah ang pinakayano sa kanila ang maalindog sa kanya.

Saan ka pupunta, binibini? dahil nakikita kita,
Ikaw ay nagsasaboy ng tubig diyan, nguni’t nakatago pa rin sa iyong 
kuwarto.

Nagsasayaw at humahalakhak sa tabing-dagat ang dumating na 
ikadalawampu’t siyam na naliligo,
Hindi siya nakita ng iba, pero nakita niya sila at inibig sila.

Ang mga balbas ng mga binata ay kumislap sa basa, tumakbo ito mula sa 
kanilang mahabang buhok,
Mga munting batis ay bumagtas sa kanilang buong mga katawan.

Isang hindi nakikitang kamay ay bumagtas din sa kanilang mga katawan,
Ito ay pumanaog nang nangangatal mula sa kanilang mga sentido at mga 
tadyang.

Ang mga binata ay lumutang nang nakatihaya, ang kanilang mga puting 
tiyan ay nakaumbok sa arawan, hindi sila nag-uusisa kung sino ang 
sumusunggab sa kanila,
Hindi nila alam kung sino ang bumubuga at humuhupa na may palawit at 
bumabaluktot na hubog,
Hindi nila alam kung sino ang ibinababad nila sa wisik.