Mag-isang sa malayong kagubatan at kabundukan ako ay nangangaso,
Lagalag na nagilalas sa sariling gaan at saya,
Bago magtakipsilim namimili ng ligtas na lugar para palipasin ang gabi,
Nagpapaningas ng apoy at nag-iihaw ng kakakatay pa lamang na mailap 
na hayop,
Nakakatulog sa nilikom na mga dahon kasama ng aking aso at baril sa 
aking tabi.

Ang barkong Yankee ay nasa ilalim ng kanyang layag-langit, hinihiwa 
niya ang kislap at ulop,
Ang aking mga mata ay namalagi sa lupa,ako ay yumuko sa kanyang 
duong o sumigaw nang masayang-masaya mula sa kubyerta.

Ang mga mamamangka at mangangapa ng halaan ay bumangon nang 
maaga at tumigil para sa akin,
Aking isinuksok ang laylayan ng aking pantalon sa aking mga bota at 
lumabas at nagsaya;
Naroon ka sana kasama namin sa araw na iyong nakapalibot kami sa 
kaldero ng chowder.

Aking nakita ang kasal ng maninilo sa labas sa malayong kanluran,ang 
babaeng ikakasal ay mapula ang buhok,
Ang kanyang ama at ang kanyang mga kaibigan ay naupo malapit sa 
naka-de-kwatro at walang imik na nagsisigarilyo,may suot silang 
moccasins sa kanilang mga paa at may malaki at makapal na balabal na 
nakasampay sa kani-kanilang mga balikat,
Sa isang sabal nakaupo ang maninilo,karamihan sa kanyang suot ay 
katad,ang kanyang malagong balbas at kulot na buhok ang nagkakanlong 
sa kanyang leeg,hinawakan niya ang kanyang magiging asawa sa kamay,
Ang babaeng ikakasal ay may mahahabang pilikmata,ang kanyang ulo ay w
alang suklob,ang kanyang maligasgas na unat na mga tirintas ay 
pumanaog sa kanyang kaakit-akit na mga biyas at umabot sa kanyang 
mga paa.

Ang pumugang alipin ay pumunta sa aking bahay at tumigil sa labas,
Narinig ko ang kanyang mga galaw na kumakaluskos sa maliliit na sanga 
sa talaksan ng mga panggatong,
Sa umugoy na kalahating-pinto ng kusina nakita ko siyang pipilay-pilay at 
mahina,
At tinungo kung saan siya nakaupo sa troso at pinatuloy siya at 
pinangakuan siya,
At dinalhan ng tubig at pinuno ang tub para sa kanyang pawisang 
katawan at bugbog na mga paa,
At binigyan siya ng isang kuwarto na ang pasukan ay mula sa akin,at 
binigyan siya ng maligasgas na malinis na mga damit,
At naaalala nang lubusan ang kanyang lumiligid na mga mata at ang 
kanyang kaasiwaan,
At naaalalang naglagay ng mga pamatse sa mga bato ng kanyang leeg at 
mga bukungbukong;
Tumigil siya kasama ko isang linggo bago siya nakabawi ng lakas at 
dumaan sa hilaga,
Napapayag ko siyang umupo katabi ko sa harap ng lamesa, ang aking 
eskopeta ay nakasandal sa may sulok.