Ang malalaking pinto ng kamalig ay nakabukas at handa,
Ang tuyong damo ng gapasan ay lulan ng marahang hinihilang bagon,
Ang maaliwalas na liwanag ay naglalaro sa kayumanggi abuhin at 
luntiang magkakalahok na kulay,
Ang mga sambraso ay nakabunton sa lumuluyloy na mandala.

Ako ay naroon, ako ay tumulong,ako ay dumating nang banat sa taluktok 
ng kargamento,
Aking naramdaman ang mahina nitong liglig,ang isang paa ay nakahilig 
sa kabila,
Ako ay lumundag mula sa mga balagbag at sumunggab sa trebol at 
timothy,
At gumulong una ang ulo at nagusot ang buhok na puno ng maliliit na 
tungkos.