Ang sanggol ay natutulog sa kanyang duyan,
Aking itinaas ang kulambo at pinagmasdan siya nang matagal,at tahimik 
na binugaw ang mga lamok gamit ang aking kamay.

Ang musmos at ang neneng may pulang mukha ay lumihis sa itaas ng 
mapalumpong na burol,
Akin silang pasungaw na tinatanaw mula sa taluktok.

Ang pagpapatiwakal ay nakahandusay sa duguang sahig ng silid-tulugan,
Aking nasasaksihan ang bangkay at ang nakawkaw nitong buhok,aking 
napupuna kung saan nalaglag ang pistola.

Ang lahad ng latag,mga gulong ng mga kariton,tuklap ng mga suwelas ng 
bota,usapan ng mga namamasyal,
Ang mabigat na bus,ang tsuper at ang kanyang mausisang hinlalaki,ang 
kalampag ng mga bakalang kabayo sa bantilisong kalsada,
Ang mga paragos na pang-niyebe,kumakalansing,sumisigaw ng mga 
biro,mga pukol ng bolang niyebe,
Ang yehey para sa mga sikat na paborito,ang ngitngit ng napukaw ng mga 
katakut-takot na tao,
Ang pagaspas ng nakukurtinahang kamada,isang maysakit na lalaki ang 
nasa loob isinilang sa ospital,
Ang pulong ng mga kaaway,ang biglaang panunumpa,ang mga dagok at 
pagkahulog,
Ang nagigilalas na umpukan,ang pulis at ang kanyang tsapa na madaling 
nagkakabisa sa pagpasok niya sa gitna ng umpukan,
Ang mga di-natitigatig na bato na nakatatanggap at nakapagbabalik ng 
sangkatutak na alingawngaw,
Kung anong naghihinagpis sa labis na pinakain o namamatay na sa gutom 
na natutumba na sa init ng araw o sa silakbo ng damdamin,
Kung anong bulalas ng mga babae na biglang nadala na nagmamadaling 
umuwi at magsilang ng mga sanggol,
Kung anong nabubuhay at nakalibing na talumpati ang laging sumisikdo-
sikdo dito,kung anong mga palahaw ang naawat ng magandang asal,
Mga pagdakip ng mga kriminal,mga hamak,mga inareglong alok ng 
pakikiapid,mga pagtanggap,mga di-pagkatanggap na may maumbok na 
mga labi,
Mahalaga sila sa akin o ang pagtatanghal o ang kanilang taginting—ako 
ay dumarating at ako ay umaalis.