May kung sino kayang nag-akala na suwerte ang isilang?
Ako ay nag-aapurang abisuhan siya na tulad lang ito ng suwerte kapag 
mamatay,at alam ko ito.

Ako ay tumatawid sa kamatayan sa piling ng mga nag-aagay-buhay at 
pagsilang sa piling ng bagong paligong sanggol,at hindi ako mapigil sa 
pagitan ng aking sumbrero at mga bota,
At tumutunghay sa sari-saring bagay,walang dalawang magkatulad at 
bawat isa ay mabuti,
Ang mundo ay mabuti at ang mga bituin ay mabuti,at lahat ng kanilang 
kasudlong ay mabubuti.

Hindi ako isang mundo o isang kasudlong ng isang mundo,
Ako ang katambal at kasamahan ng bayan, pawang inmortal at di-
matarok lamang tulad ko,
(Hindi nila alam kung gaano ka-inmortal,pero alam ko.)

Bawat uri para sa sarili nito at ng sarili nito, para sa akin ko lalaki at babae,
Para sa akin iyong mga naging batang lalaki at nagmahal ng mga babae,
Para sa akin ang lalaki na mapagmalaki at nararamdaman kung gaano 
kakirot ang matahin,
Para sa akin ang kasuyo at ang matandang dalaga, para sa akin ang mga 
ina at ang mga ina ng mga ina,
Para sa akin ang mga labi na ngumiti, mga matang ginulungan ng mga 
luha,
Para sa akin ang mga bata at ang mga nag-anak ng mga bata.

Magladlad! wala kang sala sa akin, hindi luma o naitapon,
Ako ay nakakakita nang lampas sa lana at plaid man o hindi,
At ako ay nasa paligid lang,maukilkil,mapang-angkin,walang 
kapaguran,at hindi matitigatig.