Isang bata ang nagsabi Ano ang damo? dala ito sa akin sa magkabilang 
kamay;
Paano ko sasagutin ang bata? Hindi ko alam kung ano ito nang anumang 
higit pa sa kanya.

Palagay ko marapat itong bandila ng aking loob, mula sa mapag-asang 
luntiang sangkap na hinabi.

O palagay ko ito ang panyo ng Panginoon,
Isang masamyong regalo at tagapagpagunitang sinadyang ilaglag,
Taglay ang pangalan ng may-ari kahit paano sa mga tupi, nang ating 
makita at mapuna, at masabi Kanino?

O palagay ko ang damo mismo ay isang bata, ang yaring sanggol ng 
halaman.

O palagay ko ito ay isang panayang heroglipiko,
At ibig sabihin nito, Sumibol nang magkatulad sa malalawak na pook at 
makikipot na pook,
Tumutubo kasama ng mga itim na lipi gaya ng kasama ng puti,
Kanuck, Tuckahoe, Congressman, Cuff, ako ay nagbibigay sa kanila nang 
patas, ako ay tumatanggap sa kanila nang patas.

At ngayon para sa akin ay para ba itong magandang di-gapas na buhok ng 
mga puntod.

Marahan kitang gagamitin makulot na damo,
Maaaring nahayag ka mula sa mga dibdib ng kabataang kalalakihan,
Maaaring kung nakilala ko lamang sila maaari ko rin silang mahalin,
Maaaring nagmula ka sa may edad, o mula sa anak na maagang inalis sa 
mga kandungan ng kanilang mga ina,
At heto kang siyang kandungan ng mga ina.

Ang daming ito ay napakaitim para masabing nagmula sa mga puting 
tuktok ng mga matatandang ina,
Mas maitim pa sa mga walang kulay na balbas ng matatandang lalaki,
Maitim para manggaling sa silong ng mapuputlang pulang bubungan ng 
mga bibig.

Ay aking napapansin sa wakas ng napakaraming nangungusap na mga 
dila,
At aking napapansin na hindi sila nagmula sa mga bubungan ng mga 
bibig nang walang halaga.

Nais ko sanang maisalin ang mga pahiwatig tungkol sa yumaong 
kabataang kalalakihan at kababaihan,
At ang mga pahiwatig tungkol sa matatandang lalaki at ina, at ang anak 
na maagang inalis sa kanilang mga kandungan.

Ano sa tingin mo ang nangyari sa kabataan at matatandang kalalakihan?
At ano sa tingin mo ang nangyari sa kababaihan at mga bata?

Sila ay buhay at nasa mabuting kalagayan saanman,
Ang pinakamaliit na sibol ay nagpapakitang wala naman talagang 
kamatayan,
At kung nagkaroon man ay humantong sa buhay, at hindi naghihintay sa 
bandang huli para pigilin ito,
At tumitigil sa sandaling ang buhay ay lumitaw.

Lahat ay sumusulong at lumalabas, walang nalulugmok,
At ang mamatay ay iba sa inakala ng iba, at mas mapalad.