Ako ay nananalig sa iyo aking kaluluwa, ang ibang ako ay hindi dapat 
hamakin ang sarili sa iyo,
At ikaw ay hindi dapat na mahamak noong iba.

Magpalaboy-laboy ka kasama ko sa damuhan, uwagan ang pasak sa 
lalamunan,
Hindi salita,hindi musika o tugma ang ibig ko, hindi gawi o sermon,lalong 
hindi ang pinakamahusay,
Kundi ang paghupa ang siyang ibig ko,ang huni ng iyong de-balbulang 
tinig.

Mahalaga rin sa akin kung paanong minsan tayong naglatag ng gayong 
maliwanag na umaga ng tag-init,
Kung paano mo ipinuwesto ang iyong ulo pahalang sa aking balakang at 
marahang bumaling sa akin,
At hinawi ang damit sa aking mabutong dibdib,at isinisid ang iyong dila 
sa aking nahubarang puso,
At gumapang hanggang maramdaman mo ang aking balbas,at gumapang 
hanggang maabot mo ang aking mga paa.

Humahagibis na tumindig at lumaganap sa paligid ko ang kapayapaan at 
karunungan na lampas sa lahat ng pangangatwiran ng mundo,
At alam kong ang kamay ng Diyos ay ang pangako ng aking sarili,
At alam kong ang espiritu ng Diyos ay ang kapatid na lalaki ng aking 
sarili,
At ang lahat ng taong nabuhay ay akin ding mga kapatid na lalaki,at ang 
ma babae ay aking mga kapatid na babae at kalaguyo,
At ang isang kelson ng paglalang ay pag-ibig,
At walang hangan ang mga dahong maganit o nakalaylay sa mga bukid,
At mga kayumangging langgam sa mumunting balon sa ilalim nila,
At mga malumot na langib ng bulateng bakod,bunton ng mga bato, 
nakatatanda,malen at fitolika.