Ang mailap na ganso ang umakay sa kanyang kawan sa malamig na gabi,
Ya-honk pugak niya, at ipinahahayag sa akin gaya ng isang paanyaya,
Ang maliksi ay magpapalagay na ito ay walang saysay, ngunit ako ay 
nakikinig nang mabuti,
Alamin ang layunin at ilagay roon sa dakong malamig na langit.
Ang moose ng hilaga na may matutulis na kuko, ang pusa sa pasimano ng 
bahay, ang chickadee, ang prairie dog,
Ang mga biik ng umiigik na inahing baboy habang nagbabrasuhan sa 
kanyang dibdib,
Ang mga inakay ng inahing pabo at ang kanyang bahagyang nakabukang 
mga pakpak,
Nakikita ko sa kanila at sa aking sarili ang magkatulad na matandang 
batas.

Ang diin ng aking paa sa lupa ay nagpapasibol ng isang daang pagsuyo,
Nililibak nila ang abot ng aking makakaya para maisalaysay sila.

Ako ay nababalani ng buhay sa labas,
Ng kalalakihang namumuhay kasama ng mga baka o lumalasap ng 
karagatan o kakahuyan,
Ng mga tagayari at tagaugit ng mga barko at ang mga tagabitbit ng mga 
palakol at maso, at ang mga kutsero ng mga kabayo,
Ako ay makakakain at makakatulog kasama nila linggo-linggo.

Ang pinakakaraniwan, pinakamarawal, pinakamalapit, pinakamaalwan, 
ay Ako,
Akong sinasamantala ang pagkakataon, gumagasta para sa malaking 
pabuwelta,
Ginagayakan ang aking sarili para igawad ang aking sarili sa unang 
tatanggap sa akin,
Hindi hihingiin sa langit na pumanaog dala ng aking magandang 
hangarin,
Ikalat ito nang walang katimpian magpakailanman.